Add parallel Print Page Options

Ang Pagdakip kay Esteban

Pinagpala ng Diyos si Esteban at pinagkalooban ng kapangyarihan, kaya't nakakagawa siya ng maraming kababalaghan at himala sa harapan ng madla. Minsan, nakipagtalo sa kanya ang ilang kasapi sa sinagoga ng mga Pinalaya[a], na binubuo ng mga Judiong taga-Cirene, Alejandria, Cilicia, at Asia[b]. 10 Ngunit hindi nila kayang salungatin ang karunungang kaloob ng Espiritu kay Esteban.

Read full chapter

Footnotes

  1. Mga Gawa 6:9 PINALAYA: Mga Judiong dating mga alipin .
  2. Mga Gawa 6:9 ASIA: Nang panahong iyon, ang “Asia” ay tumutukoy sa isang lalawigan na sakop ng Imperyong Romano. Malaking bahagi ng lugar na ito ay sakop ngayon ng bansang Turkey.